Quantcast
Channel: Super Gulaman!
Viewing all 48 articles
Browse latest View live

NAIA Terminal 101 for First Timers Flying in Dubai: Lipad na Super Inggo

$
0
0

Ito na nga dumating na ang araw na iyong pinakahihintay.  Ito na ang nakatakda sa isang malaking pagbabago sa iyong buhay.  Iiwan mo na ang Pilipinas at ready ka na for Dubai.  At dahil kadalasan mag-isa ka lamang na aalis, kailangang ihanda mo ang iyong sarili sa bawat pagkakataon.  Totoong nakakatakot ang first time dahil hindi natin alam ang susunod na mangyayari pero wag kayong mag-alala tutulungan ko kayo dyan.

So paano? Handa ka na ba? Game.

1.  Siguraduhin na dumating sa paliparan (NAIA), tatlong oras (3hrs) bago ang flight.  Kung makakarating ka na mas maaga, mas maganda yun dahil hindi din natin kontrolado ang dami ng tao na makakasabay mo sa pag-alis.  Idagdag mo pa dyan ang nakakaiyak na traffic ng EDSAI'm sure mami-miss mo ang traffic na yan kapag nakaalis ka na.

2.  Ihanda ang iyong mga dokumento. Siguraduhin na kumpleto ka sa sumusunod:
  • Passport
  • Visa
  • Flight itinerary or e-ticket, or, your plane ticket/boarding pass if already provided
  • OEC (Overseas Employment Certificate) (if OFW)
  • Seaman’s book (if Seaman)
  • Employment Contract (if OFW)
  • Letter of Guarantee/Support (If Tourist or Visit Visa)
  • NBI clearance (Optional)
  • Valid IDs (Optional)
  • PDOS Certificate (if OFW)
  • Black or blue pen
Kung may lehitimong VISA ka na mula sa employer abroad at dumaan ka sa agency sa Pinas siguraduhin mo na laging hawak ang unang anim (first 6) na mga dokumento.  At kung OFW ka na nga siguraduhin din na meron ka ng OEC at na-validate na ito sa OWWA LOUNGE.  Sa NAIA Terminal 1, sa pinaka-kanang bahagi ng paliparan mo matatagpuan OWWA LOUNGE.  Kadalasan hinihingi nila ang passport, ticket at OEC. Yung passport at ticket for verification purposes lang yun.  Yung OEC, yun ang lalagyan nila ng stamp.  Kung matapos ka na sa proseso ng OEC validation, pwede kang tumambay muna dito sa OWWA LOUNGE, kumain, maupo, manood ng TV kung medyo matagal tagal pa naman ang flight mo. Kung wala ka pa din pa lang OEC, maaari din naman na humingi ka sa kanila, yun mga lang kailangan mong bayaran ang fees. Kung isa ka naman seaman, hindi mo na kakailanganin ng OEC.

Kung ikaw naman ay nasa Tourist o Visit Visa, siguraduhin din na nasa iyo palagi ang unang tatlong dokumento (first 3).  At dahil nasa Tourist o Visit Visa ka kakailanganin mo din ang iba pang mga dokumento.  Siguraduhin mo din na nasa handcarry mo ang Letter of Guarantee/Support, kung asawa mo ang nag-sponsor sa iyo, siguraduhin na meron kang naka-red ribbon na marriage certificate.  Kung kapatid mo naman ang sponsor, siguraduhin din na naka-red ribbon ang inyong mga birth certificate na magpapatunay na pareho kayo ng magulang.  Kung pinsan naman, kakailanganin mo ang birth certificate ng inyong mga magulang at kayo din. Kung kaibigan naman, kakailanganin mo din ang pictures nila na kasama ka at iba pang mga proof na magkakilala kayo.  Nakakatawa di ba pero totoo may mga ganitong eksena sa immigration.  Magbaon din ng pocket money (at least $500), optional ito.  Siguraduhin din na may dala kang ID, it is either ID mo sa school or sa trabaho mo.  Kung may ITR ka o mga bank statements mas ok din. I-secure din na may return ticket ka, kahit dummy lang.  Alam ng mga travel agency abroad ang dummy ticket kaya sabihin mo dapat yan sa sponsor mo. At syempre siguraduhin din na meron kang photo copy ng OEC ng nag sponsor sa iyo bilang patunay na lehitimong OFW sila. Kung may mga dokumento ka naman tulad ng diploma, employment certificate or transcript of records mula sa school, na naka-red ribbon at plano mo itong gamitin sa pag-apply sa bansang patutunguhan, maaaring ilagay mo na lamang sila sa iyong bagahe at huwag sa iyong handcarry.

Siguraduhin na may dala kang ballpen.  Gagamitin niyo yan sa pag-fill up ng ilang form tulad ng Embarkment Card ng Immigration.


3.Pumasok sa Airport
Ooops. Teka muna, Relax. Yumuko muna, magdasal ng ilang saglit.  Huminga ng malalim.  Now, magpaalam na sa mga naghatid sa iyo dahil hindi din naman sila papapasukin sa loob ng Terminal.  Wag ka munang umiyak, i-save mo ang pag-iyak kapag nasa loob ka na ng eroplano o mas maganda huwag ka ng mag-emote.  Sa pintuan ng departure entrance, ang mga airport guards ay titignan ang iyong passport at e-ticket (printed tickets) bago ka nila papasukin. At sa entrance pa lamang nandito na ang unang security checking. Ilagay lahat ng iyong bagahe sa conveyor belt at hayaang dumaan ito sa scanner. Kung sakaling may ma-detect na metal sa iyong katawan, gagamitan ka ng sekyu ng handheld scanner. Para mapadali ang lahat, ilagay ang lahat ng iyong metal objects(like belt, watch, coins, keys, etc.) sa iyong handcarry baggage bago dumaan sa security screen.  Alamin mo din ang mga bagay na hindi dapat dinadala sa paliparan at huwag na huwag mo itong dadalin. Pointed objects tulad ng knife, pushers, nippers, spraynets bawal yan lalo na kung sa handcarry nakalagay.  Illegal drugs, guns, endangered animals and plants, bawal din.  Minsan pwede din kung may special order or permit ka.  Pero mas ok kung hindi ka na lang magdadala ng mga ganyan, para iwas hassle. Take note, huwag mag-joke about sa bomba. Criminal Offense yan.

4. Visa-Check Counter
Kung maaga kang pumasok sa Terminalng NAIA at hindi pa handa ang CHECK-IN COUNTER dahil kadalasan 2-3hours before departure sila nagbubukas.  Tumungo muna sa VISA-Check Counter. Kadalasan katabi lang yan ng CHECK-IN counter ng napili mong Airlines. Iabot ang passport, ticket at visa. Hayaan silang lagyan ang iyong ticket ng stamp na documents checked.

5.  Travel Tax. Hanapin ang Travel Tax Counter (nasa gitnang bahagi ng terminal) kung Tourist or Visit Visa ang hawak mo.  Php1,650.00.  Kung OFW ka at sa NAIA Terminal 2 ka, tumungo sa Travel Tax exemption booth, magkatabi lang yan.Pero kung OFW at nasa NAIA Terminal 1 at 3 ka, these fees are waived. Dadaan ka lang sa OFW gate at ibigay ang iyong passport, plane ticket, at OEC. Ang OEC ang proof na hindi mo na kailangan magpayad ng Airport Tax and Terminal Fee.

6. Check-in Counter
Pumila. At kung may binibigay na embarkment card, kunin at i-fill up habang nasa pila. Ibibigay ito mamaya sa Immigration. Iwan na ang mga bagahe at siguraduhin na ang mga kakailanganin mong dokumento ay nasa handcarry mo lang at hindi sa mga naka-checkin na bagahe.  Iabot sa counter ang Visa, Passport, Ticket. Minsan hinihingi din nila ang Affidavit of Support or letter of guarantee, pero kadalasan yung unang tatlong nabanggit ko lang. Bayaran ang ilang fees kung sobra ka timbang ng bagahe.  Pero mas maganda kung tinimbang mo na ang bagahe bago ka pa umalis ng bahay.  Kunin ang Boarding Pass, Visa, Passport at ticket. Hanapin ang Terminal Fee Booth.

7.  Terminal Fee Booth
For non-OFW, iabot ang Php550 at boarding pass sa terminal fee counter. At pagkatapos nitotumungo na sa Immigration. Siguraduhin na na-fill up mo na ang embarkment card (departure card) nila. Sa mga nasa Tourist o Visit Visa, huminga ng malalim, ito na ang Q&A portion.

8.  Immigration
So ok na ang embarkment card (departure card), tumungo na sa immigration counter. Iabot ang passport, embrakment card (departure card) at visa. Hawakan lang muna ang iba pang dokumento.  Huwag ibigay ang mga dokumentong hindi naman hinihingi ng Immigration Officer (IO).  Kung seaman ka, isama mo ang seaman’s book sa pag-abot ng passport mo. For non-OFW, ang mga IO ay maaari pang humingi ng ilang mga dokumento tulad ng letter of guarantee/affidavit of support (make sure na naka-red ribbon ito), contract, and identification cards. Ang mga IO ay magtatanong din ng ilang mga bagay-bagay at sagutin mo lang ito ng tama at ng buong katapatan, lulusot kang tiyak.

Kung napatuyan nila na lehitimo ang iyong mga dokumento at iyong pagkatao at pakay sa bansang tutunguhan, lalagyan na ng departure stamp ang iyong passport.  Ibabalik ang lahat ng ibinigay mong dokumento maliban sa embrakment card (departure card).  Mahalagang malaman ng lahat na ang mga IO ay may kapangyarihan na-i-deny ang iyong pag-alis sa bansa. Kung gusto mong makaalis ng walang mintis, read my tips. Click Here.


9. Second Security Screen
Pagkatapos ng immigration gate, dadaan kang muli sa isa pang security screen. Muli, ilagay ang handcarry bag sa conveyor belt. Ilagay ang iyong cellphone, jacket, coins, keys, wallet, etc. sa tray, padaanin din ito sa conveyor belt. Dumaan sa security scanner. Kung naka-rubber shoes ka or slippers lang, hindi mo na ito kailangang alisin, kung steel toe shoes or leather shoes ang gamit mo, alisin mo ito at padaanin sa conveyor belt.

10.  Boarding Gates, Souvenir Shops, Toilets, Waiting Lounge, Retaurants.
Maaari ka ng huminga ng maluwag-luwag.  Pwede ka na ding mag-emote kung gusto mo.  Pero bago yun, hanapin mo muna ang boarding gate mo.  At kung makita mo na ito, maaari ka na muna na magliwaliw sa mga Souvenir Shops, Toilets, Waiting Lounge, at Retaurants.  Siguraduhin lamang na 15 minutes before umalis ay nasa boarding area ka na para hindi ka maiwan ng eroplano.  Tandaan din na mahal ang mga bilihin dito. Habang gumagala o habang nakaupo ka sa boarding area. I-check ang iyong seat number sa ticket upang malaman mo kung saan ka uupo kapag nasa loob ka na ng eroplano. I-charge mo na din ang mga mobile phones or gadgets mo. Sa NAIA Terminal 2, may designated area na pwede kang mag-charge.  Kung sa 1 at 3 naman, may mga socket sa gilid-gilid ng boarding area. May mga pagkakataon din  na may mga undercover IO, nagpapanggap na pasahero at sasabihin na parehas kayo ng ticket at seat number.  Kung mangyari yun, defend yourself. Sabihin mo na imposible yun dahil hindi ka makakalusot sa dami ng checkings na ginawa.  Ang siste, inaalam nila ang kredibilidad mo na kaya mong mag-ibang bansa at hindi ka madaling maloko, kung mangyari yun at magtatanga-tangahan ka (patawad sa wordings), denied ang flight mo. At yun na nga boarding time na, makinig sa intructions ng mga flight attendants.

Sa boarding gate, iabot ang passport and plane ticket sa attendant (may pagkakataon din na boarding pass lang ang hinihingi, wala na ang passport) . Kukunin nya ang isang portion sa boarding pass at ibabalik ang iyong passport at ang other portion ng boarding pass. Ngumiti ng nakakaloko.

11. Inside the Plane
Kung sa UAE ang tungo mo partikular sa Dubai, madalas na sinasakyan ay ang budget airline na PAL.  Pero kung medyo maganda naman ang budget mo, pwede mo ding sakyan ang Emirates or Etihad. Sa pagpasok sa eroplano, may pagbati ng magaganap, "Welcome to Philippine Airlines".  Ngumiti na parang aso.  Ipakita ang natirang bahagi ng boarding pass, at ituturo ng attendant kung saan ka mauupo.  Ngumiti ulit na parang nakakaloko. Ilagay na ang mga handcarry baggages sa overhead compartment o sa ilalim ng harapan ng upuan mo.  Pero kung nakaupo ka sa tapat ng emergency exit, huwag maglagay ng bag sa ilalim ng upuan dun na lang sa overhead compartment. Magpatulong sa attendant kung kinakailangan. Maupo.  Isuot ang seatbelt.  I-turn off na muna ang mga gadgets. Sa ilang saglit lang bago umalis ang eroplano, magpapakita ng video or i-de-demonstrate nila ang safety measures in case of emergencySo makinig mabuti kahit alam na alam mo na ito for the nth time.

Sa mga first timers lalo na sa first time na nakasakay ng eroplano, ang pag-take off ang pinaka-thrilling part.  Siguraduhin na maayos ang pagkakakabit ng seat belt.  Huwag kabahan, i-enjoy lang ang pag-take offTo remind you, ang eroplano ang pinakaligtas na sasakyan kumpara sa iba pang sasakyan.  Sa katunayan 1 in 1000 rides mo sa motorcyle maaari kang maaksidente, pero sa eroplano 1 in 45 million rides pa.  Ibig sabihin kahit sumakay ka sa eroplano araw-araw in 123,000 years, ikaw ay ligtas sa aksidente. So sakay na.

At kung makuha na ng Piloto ang desired altitude, I-inform kayo ng attendant na maaari ng alisin ang seatbelt.  Kung ayaw mong alisin ok lang din naman.  Pwede ka na ding mag-tungo sa toilet or gamitin ang mga gadgets.  Pwede ka na din manood ng mga movies or makinig ng music through entertainment boards. Ito yung individual flat screens sa harapan ng upuan mo where you can watch movies, listen to music, or play games.  Pero kung PAL ang sinakyan, wag kang umasa na meron sila nito.  Magdala ka na lang ng sariling Tablet loaded with music and movies para malibang.  May pinapa-rentahan naman ang PAL na mga iPADs, yung nga lang $50for the entire flight ang renta. Tsk. Business.

May mga foods and beverages na sini-serveduring the flight.  Siguraduhing gising ka kung ise-serve na nila ang mga ito.  I-enjoy ang food.  Kung nag-offer sila ng wine, kumuha din, wag lang damihan.

Minsan makakaranas din ng pag-alog o turbulence.  Wag mabahala, para lang itong bus na dumaan sa lubak na kalsada which is naturally caused by air preassure and winds.  Pero ayos lang yan, safe yan. Umupo lang ulit, and just keep your seat belt fastened and relax.  Matulog.


12. Arrival
At nakarating din sa destination airport let say Terminal 1 - Dubai and so far, you’re good. Pagbaba ng eroplano tumungo na sa arrival area, medyo mahaba-habang lakaran yan.  Kung may-form na kailangan fill-up, then i-fill up.  Pero normally wala naman.  Ihanda ang Passport at Visa.  Pumila sa immigration.  Mag-relax hindi ito katulad ng immigration ng Pinas. Magulat ka dahil minsan nagta-Tagalog ang mga Arabong Immigration Officer.  Mas ngumingiti din sila kumpara sa IO sa atin. Batiin sila ng Hello or Hi, ngumiti. Iabot ang Passport at Visa.  Magtatanong lang din sila ng onti, minsan manghihingi sila ng mobile number, ibigay ito at sagutin ito ng maayos.  Or kung wala kang mobile number sa (etisalat or Du) UAE ibigay mo na lang ang number ng nag-sponsor sa iyo. Tumingin sa eyescanner.  Kunin ulit at Visa at Passport na may stamp ng arrival date.  Umalis at tumungo na sa luggage area.

Maraming conveyor belt na umiikot, kaya tignang maiigi kung saan ang flight number mo.  Hanapin maiigi ang bagahe dahil minsan may kaparehas na itsura ang bag mo. Once na makuha mo na ang baggage mo, proceed to the exit.

Kung OFW ka na, depending on the arrangement with your employer but usually, someone will be sent to pick you up at the airport. Look for someone holding a placard with your name on it.

But kung Non-OFW ka, syempre kamag-anak or kaibigan mo ang magsusundo sa iyo, hanapin mo na lamang sila or maghintay sa kanila.  Wag aalis sa Airport ng hindi sila nakikita, kontakin sila kung kinakailangan.  Kung walang sim card (etisalat or du) at hindi naka-activate ang roaming, makitawag na lang sa mga Pilipinong nakasakay sa eroplano.  Or gamitin ang internet ng airport at i-message sila sa facebook, viber or wechat. May mga payphone din doon, pwede mo din itong gamitin.  Hindi kasi madali ang pagbili ng bagong simcard sa UAE, nangangailangan sila ng Emirates ID which is wala ka pa nun.

Kung ang magsusundo sa iyo ay may sariling sasakyan, mas mainam.  Kung wala naman, pwede kayong mag-bus, metro (train), or taxi.  Pero hindi ko sina-suggest ang Taxi, dahil kadalasan mahaba ang pila dito.  Umakyat na lamang kayo sa Departure Area ng Dubai Terminal 1 at pumasok sa Metro Station, bumili ng NOL Card, normally 25AED yun, may load na 19AED at yung the rest para sa fee ng card. Meron ding iba't ibang klase ng NOL card, may 1 day unlimited ride, Gold Card, etc.  I-suggest yung silver na regular card lang ang bilin mo which is 25 AED nga. Yung NOL Card yan ang ginagamit sa pagsakay ng Metro or Bus sa Dubai.  Loadan mo na lang sya then i-tap sa scanner ng bus.  Kung sa Metro ka sasakay ita-tap mo yan dun sa entrance.  Hindi yan katulad ng sa MRT or LRT ng Pinas na pinapasok ang ang Card sa loob ng reader, yan naman ay pinapatong lang, as in TAP.  Huwag kalimutang mag-Tap out bago lumabas ng metro or bumaba ng bus.

Itabi ang NOL Card, gagamitin mo ulit yan kapag gumagala ka na sa Dubai.

Sa ngayon, pagdating sa tutuluyan, matulog ka muna.  Bukas ka na mag-a-apply.

Day 1.


(Disclaimer: Ang mga nabanggit sa itaas ay "for information dissimenation only". The views and opinions expressed are my personal experiences, views and opinions. The information contained in this entry is for general information purposes only. The information provided does not make representations or warranties of any kind, express or implied, about the completeness, accuracy, reliability, suitability with respect to the information contained on the entry for any purpose. Any reliance you place on such information is therefore strictly at your own risk.)

#OFW
#BagongBayani
#NAIA
#firsttime
#immigration






How to Pass the Immigration and Avoid Getting Offloaded: Lumusot sa mga Lulusutan

$
0
0
At yun na nga, patungo ka na sa counter ng immigration. Siguraduhin na lahat na kakailanin mo sa pagsagot sa kanilang mga tanong ay nakahanda na. Kumbaga sa sundalo, handa na ang baril at bala. Isama mo na din ang mga bagay na sa tingin mo ay importante pero hindi naman.

Tiyakin na kumpleto na bitbit mo ang mga ito:
1. Passport
2. Visa
3. Letter of support/guarantee, or sponsorship letter
4.  Other documents required for relation proof/capacity to travel abroad
5.  Ticket
6.  Recent OEC ng sponsor
7.  Lakas ng loob at onting yabang

Siguraduhin na na-fill-up-an mo na ang binigay na embarkment card bago pumila patungo sa immigration officer. Hindi naman din masama kung magsusuot ka ng ilang alahas, maglabas ng ilang gadgets habang patungo sa immigration.  Gawin ang pagyayabang sa hindi OA na paraan. Siguraduhin din na mukhang turista ang iyong dating, swabeng porma lang at hindi parang si inday o dudong na lumuwas ng Maynila.  Kung magagawang mag-Ingles ng astang mayaman, mas maganda. Tandaan na kredibilidad mo na bilang turista ang pinag-uusapan dito.

Kung handa ka na talaga, pumila na sa immigration counter.  Kung babae ka, pumila ka sa lalaking immigration officer.  Kung lalaki ka naman, sa babaeng immigration officer ka pumila. Parang magnet lang yan, opposite attracts, same sides repel.  Tignan sa mata ang officer, ngumiti.  Pero wag kang umasa na ngingiti din sila.  Trained sila para dito.  Kung ngumiti din, swerte mo, mataas na ang chance mo na makakalusot ka na.  Kung hindi naman, bumalik sa pagiging pormal na medyo seryoso.  Iabot ang passport.  Wag na wag mong ibibigay ang lahat ng dokumento na hawak mo kung hindi naman nya hiningi.  Sumunod na iabot ang visa.  Hayaan mo syang magtanong.  Ang usual na tanong nyan, "San ka pupunta?, Anong gagawin dun? At sino ang pupuntahan mo?"  Ang tamang sagot ay ganito, "Sa Dubai po sir/maam, tourist po ako, gift ng (sponsor) ko (other reasons na maisip mo ok din), sya nga pala ito yung affidavit of support".Then iabot ang affidavit of support/certificate of guarantee.  Hayaan basahin iyon ng IO. Siguraduhin din na naka-red ribbon ang affidavit at pirmado ng Philippine Consulate.  Sagutin lang ang ilan nyang tanong ukol sa dokumento. Normally, ukol yun sa relationship mo sa sponsor, kredibilidad mo bilang turista at authenticity ng dokumento mo at alam mo kung ano ang mga nilalaman nun.  Kung ma-satisfy sya sa sagot mo, huli nyang hihingin ang OEC ng sponsor mo.  Ito ang patunay na lehitimong OFW ang sponsor mo.  Kadalasan dito na huminto ang pagtatanong at sisimulan na nyan lagyan ng stamp ang passport mo.  This time, say "Thank you". Pero bumulong lang ng "F**k you" at siguraduhin na hindi nya maririnig ang bulong mo.

Kung hindi pa din sya ma-satify sa sagot mo, magpakita ng ID or other documents na magsasabi na babalik ka din dahil may mga obligasyon ka pa na gagawin after the said vacation.  Ipakita din ang return ticket or pocket money kung kinakailangan at hinihingi.  Walang hindi makakalusot kung gagawin mo ito.  110% sure.  Proven and tested.

Assignment:
Question 1:  Bakit nga ba sobrang higpit ng mga IO sa mga kababayan nating tumutungo sa GCC gayong alam na alam din naman nila na 90% ng mga ito ay kunyari ay mag-to-tourist  pero ang goal talaga is makapag-trabaho abroad? Ipaliwanag.

Question 2: Ano nga ba ang silbi ng agency system sa pagtratrabaho abroad?  Nakakatulong ba talaga ito upang matugunan ang mga problema ng ating mga OFWs? Ipaliwanag.

Question 3: Magalit kaya ang mga IO kung sakaling mabasa nila ito? Please help. 


(Disclaimer: Ang mga nabanggit sa itaas ay "for information dissemination only". The views and opinions expressed are my personal experiences, views and opinions. The information contained in this entry is for general information purposes only. The information provided does not make representations or warranties of any kind, express or implied, about the completeness, accuracy, reliability, suitability with respect to the information contained on the entry for any purpose. Any reliance you place on such information is therefore strictly at your own risk.)

#OFW
#BagongBayani
#NAIA
#firsttime
#immigration



Selda Uno Dise Otso

$
0
0
Ito na nga, pumasok na ako sa teritoryo ng Iran. Current destination, Kish Island, Iran. Pero sa totoo lng parang hindi naman ito kasing sama ng mga naririnig kong horror stories, yung tipong parang sa pelikulang Hostel. At kasing lungkot ng death penalty. Ang sabi nila, ang Kish daw ay kwento ng mga stranded na pilipino, kwento ng kalungkutan, kwento ng drugs, kwento ng prostitusyon, kwento ng rape, kwento ng suicide at kwento na bakit-ka-pupunta-sa-isla-ni-kamatayan. Pero sa tingin ko, kwento lang din yun kasi kahit naman saang lugar ay may mga kwentong tulad nyan. Mga malulungkot at nakakatakot na kwento pero mas marami pa ding magandang kwento dito, hindi lng puro ganun...promis!

Paglapag ng eroplano sa Isla, kapansin pansin, ang medyo malungkot at hindi komportableng pakiramdam. Lahat bago, isang pakikipagsapalarang parang welcome-to-the-land-of-the-dead.  Pagpasok sa terminal ng Kish, nagsimula ng magbihis ang mga kababaihan upang balutin ang kanilang mga ulo.  Isang kulturang kailangang sundin ng lahat ng pumapasok sa Islamic Republic of Iran. Ang sabi nila sa kwento, bawal daw kumausap ng babae sa Iran otherwise deported ka.  Ang nakakatuwa nun pagpila ko pa lang sa immigration, kinakausap na ako ng kabayan Filipina at nagtatanong kung saang Hotel daw ako mag che-check-in. Simple lang naman ang sagot ko, "Hindi ko pa alam eh, suggestion ng mga kasama ko sa bahay eh, Farabi or Venus, pero kung may ibang option eh dun ako sa other option".  Yumuko ako ng onti baka mapansin ako ng sekyu na miyembro ng tropa ni sanchai na nakikipag-usap sa babae, at bigyan ako ng redcard.  Pero wala, tuloy pa din sa kwento si Ate na may alam daw sya na magandang hotel dahil nakapag exit na sya noon. Suhestiyon nya, Fanoos Hotel.  Sagot ko, "ah, ok yan eh, cge sama ako".  Nauna si ate sa immigration sa pila, sumunod ako.  Hinintay nya ako sa labas, habang kinukuha ko ang bagahe ko. Paglabas pa lang kami ng terminal may mga driver na ng bus ang nagtatanong kung saan kaming hotel pupunta, si Ate ang sumagot. Pagsampa sa bus, nandun na din ang ilang mga kabayan. Naupo si ate sa bandang unahan ko, kinausap nya ang katabi nya. Ang sabi nung kausap nya, sa Ghoghnoos Hotel daw ay maganda. Tinanong ko din ang katabi ko, ang sagot nya  sa Goldies Hotel naman daw sila. Bumida ang kausap ni ate, sa Ghoghnous hotel daw, libre ang wifi na mabagal, pwedeng magluto, may basketball court na malapit, pwedeng lumabas anytime, walang surot, may tv cable na isa lang ang channel, at namalayan na lang namin na sumang-ayon na sa ghoughnoos hotel pumunta.  Saglit lng din, napuno na ang bus at umalis na kami sa paliparan. Nakakamangha din ang Isla dahil maganda din nman ito, parang Yas Island sa Abu Dhabi na onti lng ang tao. Huminto kami muna sa Farabi Hotel, pero walang bumaba, fully booked na daw kasi. May mamang sumakay ng bus, hinihingi ang mga passport namin, natakot ako. Pero normal lang daw naman yun, taga immigration pla yun. Katabi ng Farabi Hotel ang Immigration at Kish Airline ticketing office. Binigay naming lahat ang aming mga passport, at sinabi nya na makukuha nmin iyon sa Hotel na pupuntahan namin. Hindi ko alam kung pano ginawa, pero ang passport ko ay nandun na nga sa hotel na pupuntahan ko. Umalis na ang bus, huminto sa tapat ng Venus Hotel, ilan lang din ang bumaba. May sumakay na lalaking Iranian, namimilit na doon na magcheck-in, nang-uuto. Walang pumansin sa kanya sa mga naiwan sa bus, kabilang ako don.  Tinawag n lang namin ang driver na sa Ghoghnous Hotel na kami dalhin. Entrance ng Ghoughnous, parang pang Hostel ang dating, may ginagawa din kasing building sa tabi nito. Pumasok kami sa lobby. Ayus naman, nakangiti naman ang mga Iranian, tila natutuwa na marami silang iialay kay satanas ngayon. Biro lang, maayos nman ang ambiance pagpasok mo sa lobby, binigyan kami ng tig-iisang card upang i-fill-up. Binalik nmin at in-assign kami sa bawat kwarto. Hiwalay ang kwarto ng mga babae sa kwarto ng mga lalaki. Assigned room, Room 118. Magaan ang pagpasok sa kwarto, 9 kaming nag-occupy ng kwarto, lahat kasabay sa eroplano. Lahat bago. May budget pa ang mga yan...at bago pa....meaning wala pa silang dahilan para gumawa ng hindi maganda...Kumbaga sa computer...safe mode. Mukhang magiging ok nman ang lahat. Katulad ng bilin ng karamihan, sabay sabay kaming lumalabas, walang iwanan. Mga takot gawing alay pagkatapos ng alas dose ng gabi. Sa ngayon, kwentuhan muna kami, pataasan ng ihi, payabangan mode, sya nga pala yung isa naming kasama makakaalis n din kinabukasan. Ok ok, sino sino nga ba ang mga ito. I'll name it base sa mga maalala ko. Si ate na naghintay sa akin sa labasan ng airport ay si Karen. May kaibigan sya na naging kasa-kasama na din namin, Si Mae. Sa pagkaka-alam ko maraming may crush sa kanya sa batch namin.  Nakilala ko din yung mga kapangalan ko.  Take note, sa isang room, 3 kaming Boyet ang pangalan. Kaya naging B1, B2 at B3 ang tawagan. Ako ang naging si B2. Galing! Yung unang umalis ay si Joebert, Next naman ay si B1. Nakasama din namin si Jaime Angelo at ang mga kwento nya. Pero ang maganda dito, nandyan si Alladin, wala si Princess Jasmine. Nandyan din si Manay, ang cook namin. Ashley daw ang name nya, yun pala Arnold sya, mas macho pa ang pangalan sa amin. Ahehehe! Si Mike, Michael, at Mark ay kasama din sa tropa. At syempre si Gier, a.k.a Intoy, ang official pornographer, este official photographer ng 118. May nakalimutan pa ba ako? Parang wala na siguro. Pero sama ko na din sila Ajel, Vien, Mayora at Jennifer Anne Mora na nakilala ko makalipas ang ilang araw. 

2nd day inaantok pa din ako pagkagising. Pero katulad ng napag-usapan, fishing daw ngayon. Medyo puyat din kasi ako kagabi. Bakit? Ito ang ayaw ko sa pagtulog. Contest sa paghilik. Dolby sorround pa..2.0... sa tantsa ko 3am n akong nakatulog nun. Though malakas din naman akong humilik, kaso yun nga lang nauuna silang makatulog, kaya sa susunod kailangan maunahan ko sila. Wahehehe. 

Pagkatapos mangisda, wala naman kaming nahuli, kaya ang siste, diretso sa palengke para bumili ng isdang kakainin. Ang galing talaga namin.  Whooohohoho! Dumaan na din kami sa mall para sa mga ilang bagay na kakailanganin na mostly ay para sa pagluluto. Well, nakakatuwa lng din ang pera dito....bumili ako ng tsinelas worth 36000, lunchbox worth 18000, gunting worth 4000....asteeeg! 

Pabilisin ko ng onti ang kwento.  Marami ng umalis sa batch.  Sa totoo lang habang pinagpapatuloy ko ang pagsusulat nito, nasa ibang kwarto na kami ngayon. Room 134. Dalawa na lng kami ni Mike na natitira kaya ayun lipat kami sa ibang kwarto. So far, nakaka-20 araw na kami. Nanalangin na sana ay dumating na ang Visang pinakakaasam.  

On 21st day, mukhang maiiwan na talaga ako. Lumabas na din ang visa ni Mike. Well, ayuz lang din naman na sana lumabas na din kinabukasan ang aking visa. Pero hindi ko pa din alam ang mga pagkakataon, malay mo.  Sa totoo lang hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon.    Sa isang banda, nakakatuwa din naman.  Isa itong karanasang hindi mo malilimutan. Karanasang hindi mo alam ang hinaharap, karanasang hindi mo kontrolado. Karanasang susubukan ang iyong pasensya at husay ng paghihintay. Exciting? Oo. Nakakatakot? Oo. Sa laki na ng bayarin sa hotel nakakatakot talaga. Pero kung yung takot na mapapahamak ka sa lugar na ito dahil sa krimen ay hindi naman talaga totoo. Maganda naman sa Kish, maganda din naman ang sistema. Mas magulo at mas nakakatakot pa nga ang sistema ng Maynila kung tutuusin.  Wag kang matakot sa sinasabi ng iba na kapag napunta ka sa Kish ay katapusan mo na.  Na tipong kailangan praning ka sa pag-iingat ng gamit mo.  Oo siguro, pero hindi sa lahat ng pagkakataon.  

Tatapusin ko na muna ang entry na ito.  Hindi sa dahil tinatamad ako, hindi din sa dahil wala na akong kwento.  Kundi gusto ko muna na mag-muni-muni sa visa ko na sana ay dumating na.  Gusto din mag-muni-muni sa misis kong sobrang na miss ko na. Miss ko na talaga ang mabigat mong pagdantay sa pagtulog natin.  Hays sana.

Oooops, bumalik na naman ang kwento ko.  It is my 34th day in Kish...feeling alone and desserted.  Pero hindi naman, medyo nalulungkot lang din.  Umalis na din kasi yung mga taong medyo nakakausap ko ukol sa patagalan sa pag stay Kish.  Medyo madami na din kasi silang sabay sabay umalis. And still nandito pa din ako. I have to admit, namimiss ko din talaga sila since wala naman akong choice kundi mag-emo mode. 

Today is my 42nd day in Kish. And I am missing my wife so bad.  Gusto ko na talagang bumalik sa piling nya. Makasama syang muli.  Miss n miss ko na sya.  Miss ko na ang Grasya ng buhay ko.  Nami-miss ko yung mga gabing nandyan lang sya sa tabi ko at kahit nahihirapan sya sa lakas ng hilik ko ay prenteng-prente pa din syang nakasanday sa mga hita ko.  Namimiss ko yung panonood namin ng teleserye sa madaling araw habang kumakain ng hapunan.  Hapunan sa madaling araw.  Dawn snack meron kayang ganun? Hinahanap ko yung mga simangot nya, yung reklamo nya sa roster ng mga katrabaho nya. Yung higpit ng yakap nya. Yung lambing nya.  Yung pag-aalaga nya. Yung pagmamahal nyang walang katulad.  I love her so much, sana dumating na ang visa ko.  While doing this I really want to cry but no, I am tough guy.  Hindi naman sa hindi ako sanay sa matagal na paghihintay, kung 7 taon nga nagawa magtiis at maghintay, ito pa kaya.  Pero iba pa rin pla kapag wala kang kapamilya sa paligid mo.  Mahirap, nakakabagot, nakaka
lungkot.

Sa siste ng mga kwento ko parang hindi na dapat selda uno dise otso ang title ng entry na ito. Sa inip ko laging ganito na ang motto ko, "Tomorrow is another day!" Pampalakas loob para sa hinaharap. Visa nasaan ka na kaya?

Job Hunting Tips and More in UAE: Trabaho sa Disyerto

$
0
0

At umabot ka din sa destinasyong iyong pinaka-aasam. Nakapahinga ka na din ng isang gabi, pero hindi pa ito ang panahon para maglibang, mamasyal o magliwaliw. Hindi muna ito ang pakay mo sa lugar na ito, kailangan mo muna na maghanap ng trabaho. So paano nga mag-hanap ng trabaho sa UAE? Sagot ko kayo dyan.  Just read, think, read and go out.


Mga Kailangan

1. Laptop at mabilis na Internet Connection
  • Mahalaga ito at dahil halos lahat ng kumpanya sa UAE ay thorugh Email na ang pag-a-apply. At dahil bago ka lamang sa UAE at maaring wala ka pang dalang laptop, humiram muna sa kamag-anak, kaibigan,  o sino man na malapit sa iyo.  Mahirap mag-apply sa UAE kung wala ka nito.
2. Maayos na CV (Curriculum Vitae) o Resume.
  • kritikal ang bagay na ito, dito kasi nakasalalay ang pag-book sa iyo ng employer para sa interview.  Kung maaari lamang, gawin itong makatotohanan at tiyakin na akma ang mga nakasulat sa iyong kakayahan. Iwasan ang pamemeke ng mga impormasyon ukol sa iyo kung maaari lamang at kung hindi naman siguraduhin na kaya mo itong panindigan sa huli.
  • sa paggawa ng CV or Resume, tiyakin na ang focus nito ay ukol sa inaasam na trabaho. Kung sales ang gusto, siguraduhin na nakapaloob dito ay tungkol sa sales. Iwasan ang paghahalo ng iba't ibang expertise or focus.  Kung sales ang gusto mo huwag mo ng isulat ang experience mo ang ukol sa admin work etc. Bakit?  Dahil sa digital na tayo ngayon, ang mga employer ay kadalasan gumagamit ng technology sa pagsala at pagpili ng ie-entertain para sa interview.  Halimbawa sa Email lang nila na puno ng CVs at Resumes, gumagamit sila ng filter option sa pagpili ng mga CVs, and they will only spend at least 1 minute para sa isang CV.  For instance, gusto nila ng empleyado na may alam sa sales, they will just type some keywords na gusto nila and then they search for some CV.  And if they found na related naman ang experiences na nakasulat, they might book you for an interview at kung hindi ka naman mapili, try again ulet sa ibang company.  So kung sales ang target mo, make sure na yung mga info na nakapaloob na keywords dun ay related sa sales.  Halimbawa, inventory, marketing, supply, sales, cashier.. yung tipong mga ganyan.  Kasi kung hahaluan mo ng keywords na tulad ng typing, filing, paper works, etc, masisira ang focus ng CV mo.  Para mapadali ang pag-aaply, gumawa ng CV na iba't ibang ang focus, basta siguraduhin lamang na totoo at alam mo ang mga impormasyon na ilalagay mo. 

3. Cellphone
  • Alam mo na siguro kung bakit kailangan nito, aba kung hindi, assignment ko yan para sa iyo.
4. Dress-to-kill na damit para sa Interview
  • Mas bonggang damit, bonggang interview at malamang bonggang sahod din.  So magbihis ng ayon sa sahod na inaasam.
5. Lakas ng Loob at kapal ng mukha.

  • Dahil nandito ka na lang din naman, aba lubos-lubusin mo na.  Huwag ka ng mahiya pa. Walang hiyain ika nga.  Astang magaling, ayos lang yan, basta siguraduhin lang na kaya mo itong pangatawanan at panindigan.

Application
Handa ka na nga sa mga kailangan, pero alam mo ba kuing saan mag-a-apply?  Sa totoo lang maraming paraan.  
        • Shot-gun method - Pwede yung tinatawag kong "shot-gun method", yung tipong maglilibot ka sa buong UAE, at ipapamudmod ang CV mo sa bawat kumpanya o stalls na madaanan mo. Ginawa ko ito dati, pumapasyal ako sa mall, at duon ako nagbibigay ng mga CV.  Dito kailangan mo ng at least 100 CV na maibibigay sa iba't ibang stalls. Ang turn-out 2-3 calls per 100CV.  Shot-gun method, mas maraming CV na maibigay, mas maraming tawag. At dahil nasa labas ka na din ng bahay, subukan mong tumingin din sa mga post sa mga gilid ng supermarket, stalls, etc.  Malay mo hiring sila. Ang drawback lang nito, kakailanganin mo ng maraming hardcopy ng CV mo at pamasahe syempre.  Siguraduhin na laging may laman ang NOL card at may load ang cellphone.
        • Referral - parang networking lang, pero sa totoo lang ito ang pinakamabisang paraan ng pag-apply sa UAE.  Kung may kakilala ka na naghahanap ng empleyado at tugma sa kakayahan mo, aba swerte mo na yan grab mo na.
        • Walk-in -  Hindi madali ang mga walk-in interviewsunless swerte ka at angat ka talaga sa iba. Dahil kadalasan pinuputakte ito ng mga nag-a-apply.  Pahabaan ng pila, patagalan sa linya, payabangan at literal na tyagaan. 
        • Online application - usually email at websites ang pinaka-common na paraan sa pag-a-apply sa UAE. Kadalasan, dubizzle.com, monstergulf at gulfnews, ang madalas na binibisita ng mga nag-a-apply.  Para sa akin, kung magtya-tyaga ka lang sa pag-a-apply sa ganitong paraan, makakakuha ka din agad ng mga interviews.  At kung may mga interviews ka, mas mataas ang chance na magkakatrabaho ka na. In these 3 websites, mas prefer ko ang gulfnews, crowded na din kasi ang dubbizle, at least sa gulfnews medyo onti lng ang kompetensya. Maaari nyo din subukan ang pag-apply sa sa government companies lalung-lalo na sa mga OIL and GAS tulad ng NPCC, BOROUGE, GASCO, ZADCO, ADGAS, NDC, TAKREER, ADMA, FERTIL  at NMDC.  Maaari nyo din bisitahin ang mga freezones sa UAE.  Be creative, search nyo yan sa google then pumunta lang sa mga websites nila.  Hanapin ang career or contact options. Subukang kunin ang kanilang email's at doon mag-apply
        • Application by luck - ito yung nakahanap ka ng trabaho na wala ka nmn ginagawang effort. Yung tipong sinabi lang sa iyo na hired ka na kasi ang pogi mo. Swerte.
        The Interview

        Sa interview kailangan na bongga talaga.  Astig sa porma at dapat astig sa pagsagot sa mga katanungan sa interview.  Kung lalaki ka at magagawa mong magbihis with coat and tie, aba gawin mo.  Dito minsan sindakan lang din yan.  Umaayos ka ng porma para pagkatiwalaan ka nila.  Ayusin ang pagsagot at makinig ng mabuti. Huwag maging overconfident, dapat swabe lang.  Hanggat maaari huwag na huwag male-late sa interview.  Be on time.  Madali lang naman maghanap ng mga lugar dito sa UAE.  May google map naman.  Kadalasan nasa google map na din ang bus na sasakyan mo at timings nito or pwede ka din naman na tumawag sa RTA using their freeline 8009090. Katulad ng sinabi ko kanina, tiyakin na may load ka at load din ang iyong NOL card.  Magbaon din ng onting pera for emergency reasons.

        During the interview, wag kang kabahan, be confident.  Usually english ang conversation pero wag mabahala kung hindi ka mahusay dito.  Ayus lang ang barok english basta nauunawaan ka ng kausap.  Pero kung may baon ka naman palang maayos na English, aba pagyabang mo na yan. Magdetalye lang ng ilang bagay ukol sa iyo, hayaan mo silang mag-tanong sa iyo at sagutin lamang ito ng tama at hindi gaanong kahabaan, be precise.Make it clear kung ano ang gusto mong maging trabaho sa kanila, walang ligoy.  At kung sakali naman na tatanungin ka nila about sa expected salary, sagutin ito with ranges, don't give exact amount.  Reason, para makapag-adjust ka at sila sa maaaring maging sahod mo.  Ang usual na interview ay nagtatapos sa "Do you have any questions?".  Sumagot ng yes, at itanong kung tanggap ka na, kelan ka magsisimula at ano pang formalities ang kailangan.  At kung sabihin nila na ire-review pa nila ang application mo and they will call you back,  humingi ka ng number na pwede mong i-follow up. And kung ano man ang result proceed sa susunod na interview sa iba pang kumpanya.  Mas maraming interviews, mas maraming options, mas maganda.  Sya nga pla sikapin din na masanay ang iyong tenga sa pakikinig sa accent at actions nila, in this way mas madali kayong magkakaintindihan.  Hindi lahat ng pa-iling ng mga Indians ay "no" ang ibig sabihin, madalas "yes" pala ang ibig sabihin nun.

        Day 2. Goodluck!

        (Disclaimer: Ang mga nabanggit sa itaas ay "for information dissemination only". The views and opinions expressed are my personal experiences, views and opinions. The information contained in this entry is for general information purposes only. The information provided does not make representations or warranties of any kind, express or implied, about the completeness, accuracy, reliability, suitability with respect to the information contained on the entry for any purpose. Any reliance you place on such information is therefore strictly at your own risk.)


        #OFW
        #BagongBayani
        #NAIA
        #firsttime
        #UAE
        #JobHunting
        #workabroad

        Itchiness to Laziness

        $
        0
        0

        So what now? Ano na nga ba?Ang daming nang dumating na mga pagbabago sa buhay ko ngayon.  Bukod sa makating pakiramdam.  Yes! Welcome to my itchy world!, balik na nmn ako sa mainit at maalikabok na daidig ng mga arabo.  Hays, ang hirap nga eh, ngayon ko lang naranasan ang napakating pakiramdam.  Ah, alam ko na, hindi yang pangangating nasa isip mo-- malisyoso! Ang ibig kong sabihin, nagdurusa ako nga sa hindi ko mawaring pangangati ng buong katawan na maaaring dulot ng mainit at maalikabok na paligid.  Dahil dito, animo'y isang tigang na lupa ang aking balat...nagbibitak, nagbabalat. Na tipong kapag tumungo ka sa SPA ay tatanggihan ka nila dahil malulugi sila sa kaka-is-is sa iyong balat.  Mamumulubi ka din sa pagbili ng petroleum jelly at lotion.  Hindi ka na din maaaring gumamit ng mababangong sabon at shampoo sa halip gagamit ka ng sobrang mahal na sabon at shampoo na walang amoy.  Nagdurusa ako ngayon, hindi ko na alam ang gagawin ko at sana nga gumaling na din ako. Nagpatingin na din ako sa doktor, ngunit tila isa lamang itong laro sa kanila.  Hindi nila ako sinoryoso, binigyan lamang ako ng ilang gamot. Sa katunayan Anti-histamin at ointment lang ibinigay nila.  Hindi man lang ako kinuhaan ng dugo or kahit na anong laboratory test...at ang malupit hindi din nila sinabi kung ano ang nangyayari sa akin.  Base na din sa nababasa ko sa internet.  Parang meron akong chronic hives.  Pero hindi tayo sure.   Base sa sintomas na naararamdaman ko, ay parang yun nga..  Para akong binabalatan ng buhay matapos ang isang atake ng hives.  Pero sa kabila nito, sa mukha ko ay medyo naging maganda ang epekto.  Nagbalat ang buo kong mukha, naalis ang mga pekas, parang korean na walang pores. Yun nga lang sensitibo pa din sa init at lamig. Oha!

        Past...este...Fast forward... Ilang buwan din ang nakakalipas nung sinulat ko ang unang talata sa itaas. Malamig na ngayon.  At tila ba lumamig na din ang dating mainit at makating pakiramdam.  Naghilom na din ang mga gasgas na dulot ng madalasang pagkamot sa balat.  Nakakaranas pa din naman ng pangangati pero hindi na katulad ng dati. At katulad ng dati, gwapo pa din (ang kumontra sumpain na mangangati din, lols!). Pero kaunting lotion lang. Onting anti-histamin, onting-cream, ayos na ayos na ang pakiramdam.

        Sa ngayon problema ko naman ang pagbigat ng aking katawan. Marahil na din sa katamaran.  From itchiness, now to laziness.  Paano kaya ako magpapayat ng hindi nag-da-diet or exercise? Any ideas? Brilliant ideas?

        Life is a Piece of Cake

        $
        0
        0
        Update.  Hindi ko alam kung hanggang kailan mawawala ang site na ito.  Matagal na din ang panahon na hindi ko na binayaran ang domain na ito.  Kung sakali man na mawala na ito, inyo pa din nman matutungahayan ang aking mga kwento sa www.supergulaman.blogspot.com.  So parang ganun din.  Sa totoo lang, hindi ko na gaanong napagtutuunan ng pansin ang blogging.  

        Tinatamad? Siguro.  Walang bagong kwento? Siguro. Ngunit kung kwento lang naman, sa palagay ko, ang araw-araw na nangyayari sa akin ay sapat na para maging kwento ko sa inyo pero mas pinili ko na yata ang maging pribado at maging abala sa paggawa ng ilang bagay na sa aking palagay ay hindi naman interesante para sa mambabasa.  Yun ang sa palagay ko.


        ☺~~~~~~~~~☺~~~~~~~~~☺

        Life. Apat na letra sa ingles.  Limang letra sa tagalog.  Napaka-simple, mabilis lang at ika nga nila pansamantala lang. Pero totoo naman hindi ba?  Sa katunayan, ikaw na bumabasa nito ay hindi na din magtatagal sabihin natin pagkalipas ng dalawang daan taon.  Lahat tayo pagkatapos ng taon na iyon ay hindi na muling maaalala at tuluyan makakalimutan.  Maliban na lang siguro kung ikaw ay magiging bayani o kaya'y nakagawa ng kapakipakinabang na bagay para sa tao.

        Life is temporary. Parang Simeco lang daw yan. Mabilis lang. Pero bakit mo kailangang dumaan sa mga pagsubok  Bakit kailangang paghirapan mo ang mga bagay-bagay?  Bakit kailangan ng karanasan?  Bakit kailangang maging mahalaga, at pagkatapos non ay mamatay ka din naman?  Bakit kailangan gumawa ng masama o kabutihan kung sa dulo ay mamatay ka din?  Bakit nga ba?  

        Mahirap, masarap daw ang buhay? Kung titignan mo ang buong sirkulo, ganito lang naman yun. Ipapanganak ka.  Maglalaro. Kakain. Magpapalaki.  Mag-aaral.  Magtratrabaho. Mag-aasawa.  Tatanda. Mamamatay.  Ganun din sa mundo ng mga ipis. Ipapanganak. Maglalaro. Kakain. Magpapalaki.Mag-aaral. Magtratrabaho. Mag-aasawa.  Tatanda. Mamamatay. Malas na lang din kung matyempuhan ng Baygon o tsinelas ni lola. Deds ka nun instantly.

        Bakit kailangan mag-struggle? Bakit kailangang o hindi kailangang gawin ang mga bagay-bagay?  Bakit lahat na lang kailangang may dahilan? Teka, bakit ko nga din naman ito tinatanong, mamatay din naman tayo?

        Life is valuable. Agree? Oo naman, ngunit nakadepende pa din ito sa kung paano ito nakikita ng may hawak nito. Gets?  Halimbawa. May isang sikat na doktor ang naka-imbento ng gamot laban sa cancer.  Marami syang natulungang may mga sakit.  Ngunit ang pinakaaasam nya lamang sa buhay nya ay makapiling nya ang kanyang pamilya na hindi na din nangyari hanggang sya ay mamatay.  Sa palagay nyo, naging makabuluhan ba ang buhay nya?  Sa pananaw ng iba, oo siguro.  Pero para sa kanya hindi.

        Ano nga ba ang magpapasaya sa iyo? Ano nga ba ang halaga ng buhay?

        Bakit mo kailangan kainin ang masarap na piraso ng cake, kung alam mong mauubos din ito at hindi na muling matitikman?


        #life
        #lifeisapieceofcake
        #buhay
        #ryuk

        Bakit nga ba hindi ako botante?

        $
        0
        0

        Bakit nga ba hindi ako botante?
        Credit: Image from iha.com

        Bakit nga ba?

        Hindi ko din alam.  Ay hindi pala. Alam ko pala at dahil madami din akong dahilan.

        Hindi dahil sa iresponsable akong mamamayan.  Hindi din dahil wala akong pakialam sa bayan.  Hindi din sa kadahilanang binabalewala ko ang demokrasya.  At lalong hindi dahil hindi ko mahal ang bayang tinubuan. Mahal ko ang Pilipinas.

        Ang totoo nyan, ang dami ko kasing dahilan.

        Hindi ako bumoboto dahil ayaw ko sa pulitiko.  Hindi ako bumuboto dahil sa mahigit sa tatlumpung taon ng aking buhay, wala akong nakita o nadamang pagbabago sa bansa.  Lalong lumalaki ang agwat mayaman at mahirap sa bansa.  Hindi ako bumoboto dahil may tax. Mga tax na kadalasan hindi ko napapakinabangan. O kung may roon man, pakiramdam ko hindi lang dapat iyon ang nakukuha ko.  Produkto ako ng publikong paaralan simula kindergarten hanggang kolehiyo. Ang totoo nyan, maswerte na ako  nun. Dahil kahit papano nakapagtapos ako.  Naging iskolar kuno din ako ng isang pulitiko--isang kongresista para sa dagdag na pantawid para makapagtapos sa kolehiyo.  Pero naging saksi din ako ng hirap ng mga taong umaasa sa katiting na umento buhat sa tulong ng gobyerno.  Para kaming namamalimos sa tulong nila sa kahit konting barya.  Katulad na sabi ko hindi lahat pinapalad.  Mapalad na ako sa lagay na yan, ewan ko lang sa iba. 

        Alam ko ang iniisip mo.  Sasabihin mo na, nakinabang naman pala ako pero bakit hindi ko ito binabalik sa kanila? Kaya nga eh, kasi bakit ganito lang?  Nasaan na ang iba? Bakit hindi kumpleto? Bakit pakiramdam ko lagi nyo kaming ginagawang bobo?  Pinapatikim ng kaunti kaming mahihirap, ngunit sandamukal ang kanilang kulimbat sa bayan.

        Ang sabi ng iba, rights of suffrage. Oo karapatan yun, pero madalas dinadaya lang yun ng mga nakaupong pulitiko. Hindi ako bumuboto kasi nga kaya nila itong ima-inobra sa paraang gusto nila.  

        Pero, noon iyon.

        Sa ngayon, mukhang pwede na akong bumoto.  Mukhang lumipas na din ang panahon ng mga dahilan ko para hindi ako bumoto noon.  Salamat sa mga taong bumoto noon. dahilan upang manalo ang taong magiging dahilan ng pagboto ko sa susunod na eleksyon.  Balik na din ang tiwala sa gobyerno na hindi na madadaya ang mga boto at lalabas ang tunay na pinili ng taong bayan. Ang sabi ko noon, hindi naman yan ang tunay na boses ng mamamayan.  Isipin mo na lang, sa limang kandidato isa lang ang mananalo. Ganito ang siste, si kandidato A ay nakakuha ng 5 boto, si B naman ay 6, si C ay 4, si D ay 3 at si E ay wala.  Sino ngayon ang nanalo? Sasabihin mo syempre si B. Tama?  Pero ito nga ba ang boses ng majority.  Hindi syempre.  Dahil kung tutuusin, ang bumoto kina A, C, D at E ay majority na kung susumahin ay 12. At ang labing dalawang yan ay di hamak na mas marami sa anim. Labing dalawa ang talunan, anim ang nagwagi. Kita mo na. Hindi totoong boses ng masa ang nananalo sa eleksyon, kung ang boses ng nakararaming grupo ang nanalo. Pero kung dalawang tao lang pagpipilaan para sa isang pwesto, ito ang tama sa palagay ko.

        Ngayon, bago na ang pinuno ng bansa. Nagkakaroon na mga hakbang tungo sa pagbabago.  Yung totoong pagbabago na madadama hindi lamang ng mga nasa tuktok ng triangulo.  Salamat sa mga bumoto noon, at hindi na nagawan ng paraan ng dating administrasyon na imaniobra ang resulta ng halalan.  Sinubukan ngunit nabigo sila. Hindi inakala ng nasa tuktok noon na ang simpleng Mayor ng Davao ang magbabalik ng nararapat para sa taong bayan.

        Unti-unti ng naghihilom ang mga sugat na iniwan ng nakaraang mga administrasyon. At ang digmaan ng pagbabago laban sa lumang kalakaran ay inaasahang iigting pa. Maraming magbubuwis buhay, hindi ito mapipigilan para sa kinabukasan ng mga kabataan. Hindi ko alam kung saan tayo dadalhin ng tinatahak natin ngayon. Pero hindi na siguro ito katulad noon na nanatiling lugmok sa kahirapan ang Perlas ng Silangan dahil sa kasakiman ng mga mayayamang iilan. 

        Akala ko nga noon isang malaking sindikato ang gobyerno.  Tama pala ako.

        #Pilipinas
        #Digong
        #DU30


        Rapido Vs Smugglaz


        Buhay OFW: Pangarap sa mga Sulok ng Kahon

        $
        0
        0

        Martes ng madaling-araw. Napabalikwas habang mahimbing na natutulog. Bahagyang ibinaba ang hitang nakadantay sa katawan at tsaka hinagilap ang cellphone, tinignan ang oras. Kinse-minutos pa bago mag-alas singko ng umaga.  Balik ulit sa higaan. Pumikit.

        Saglit lang nagsimula ng manggising ang cellphone ko. Bumangon na akong muli. Pupungas-pungas habang kinakapa ang tasang nasa ilalim lang din ng aming higaan.  Kumuha ng tubig na nasa gilid lang din ng higaan at tsaka ibinuhos sa (katabi, joke lng) lagayan ng initan ng tubig. Ganito sa abroad lalo na sa mga nasisimula pa lang at hindi naman kalakihan ang sahod. Buhay-double deck, buhay partition, buhay curtition. Buhay kahon. Mga buhay sa sulok ng kahon. Pero mas ok na yun kaysa umuwing walang buhay na nasa kahon. Ito ang mga karanasang hindi kailanman naiintindihan ng mga nasa Pilipinas lalo na kung hindi pa nila ito nararanasan. Ang akala ng lahat madali lang ang kumita at magtrabaho sa abroad, yung kasing dali na parang pinupulot lang ang perang pinapadala sa remittance center o nilalagak sa banko.  Sa abroad, bukod sa kalungkutan, marami pang bagay na dapat tiisin.  Halimbawa na lang dito sa bayan ng mga arabo, kailangan mong tiisin ang labis na init o lamig ng panahon.  Kailangan mong magkasakit sa tuwing magpapalit na ang klima.  Kailangan mo din tiisin ang de-microwave na mga pagkain na magiging sanhi ng pagkapurol ng iyong kukote. Magmimistula ka ding tanga sa pakikining sa mga mali-maling-ingles ng mga nakakasalamuhang mga dayuhan. Mabobo ka sa pagsunod sa kanila sa pag-iingles upang kayo ay magkaintindihan lang.

        Kailangan mo ding tiisin na pigilang gawin ang mga nakasanayan mong gawi noong nasa Pilipinas ka pa lamang.  Tulad ng:
        1. Pagligo araw-araw. Optional lang daw ang pagligo.  Kung maliligo ka araw-araw, malulugi ka sa amoy nila. Hindi nila alam ang ibig sabihin ng hygiene dahil wala sila nun.  Pati ang pagsesepilyo nakadepende na lang yung kung kelan napagtritripan.
        2. Pagpapalit ng damit. Isa sa pinakabonggang gawi nila dito ay ang hindi kadalasang pagpapalit ng damit kahit na ang amoy nito ay kasing amoy na ng patay.  Basta walang mantsa ok pa daw yun.  Ang hindi nila alam, ito ang pinaka-unang dahilan kung bakit sila mabaho. Try mo din minsan para makaganti ka.
        3. Paglalakad ng walang damit pang-itaas sa kalsada. Kung babae ka, wag na wag mong gagawin yan kahit saang parte ka pa ng mundo mapadpad dahil malamang sa malamang eh mapadpad ka sa damuhan o buhanginan na maaari mo pang ikatuwa (joke lang).  Pero kung lalaki ka nman kahit na-miss mong gawin yan, aba eh di sa gala ka na lang sa beach, wag sa kalsada.
        4. Magtapon ng basura kahit saan (lalo na sa gate ng kapitbahay).  Mahigpit sila ukol sa paglikom ng basura. May maayos silang basurahan kung saan dapat nilalagay ang basura. Pero ang taong amoy basura hindi ko alam kung bakit wala silang tapunan nun dito (harsh!).
        5. Umihi sa pader. Minsan naisip ko lang kung may batas na nagbabawal nyan dito sa bansang ito.  Wala pa kasi akong na-tyempuhan na gumagawa nyan. Ma-try nga minsan. Hmmmmm.
        6. Pakikipagsuntukan. Madalas makakarinig ka ng pagtatalo sa mga tumpukan lalo na ng ibang mga lahi. Ang nakakainis lang, walang nagsusuntukan.  Puro salita, puro dada, walang gawa. At kung makakapag-abot man sila, iskrimahan lang ng tsinelas, parang bata. Kung sa mga kabayan yan sigurado may malaking pasa na iyan sa mukha, marka ng kamao sa mukha.
        7. Manood ng teleserye sa TV.  Hindi naman sa pinagbabawal ang panonood ng teleserye dito.  Pwede mo pa din naman itong i-enjoy sa mga piratang kuha sa internet at kung may TFC ka posible din yun. Yun ay kung may panahon ka pa matapos ang iyong trabaho.  Hindi naman kasi priority ang teleserye dito gaya ng nakagawian natin sa Pinas.  Priority ang magkaroon ng trabaho at perang ipapadala sa ating inang bayan.
        8. Kumain ng tatlong beses sa isang araw. Yeah! You heard me right.  Hindi naman sa bawal ang pagkain sa tatlong beses sa isang araw, nagkataon lang na hindi ito ang essential na gawi nila sa araw araw.  Kung tayo ay sanay na kumakain ng may kasalo, dito naman bahala ka sa buhay mo.  Kung magutom ka, kain ka lang,.  Kung busog ka na, kain ka pa din, depende yan sa iyo.  Walang definite time, wala sa wisyo. Katulad ng nasabi ko na, trabaho ang priority hindi din ang pagkain.
        9. Magsimba tuwing linggo. Ang linggo ang simula ng trabaho dito.  Hindi ka aabot sa misa kung linggo ka magsisimba.  Tuwing biyernes ang tamang araw dito para magsimba. Day-off. Muslim country kaya hindi priority ang Catholic.  Maliban na lang kung sa sales ka nagtratrabaho at posibleng day-off ka ng linggo. Swerte.
        10. Sumabit sa Dyip.  Walang dyip dito kaya walang masabitan, pero may kabit naman ang iba dyan. Nakakalungkot nga lang sa mga ilan nating kababayan, mga pamilyadong tao sa Pinas, pero dito sa abroad kung kumerekeng akala mo single. Totoo yan.  Trust me.
        11.  Pagsigaw ng para at at bumaba kahit saan mo man naisin. Tumawid sa kalsadang animo'y ikaw ang may-ari. Hindi na  ito pwede dito. Hindi mo na din makikita ang mga katagang "Fool the string to stuff". Ang siste may takdaang babaan na ang bawat pasahero.  Point-to-point.
        Totoong maraming bagay pa ang iyong mamimiss kung ikaw ay nangibang bayan na.  Ilan lamang ang mga nabanggit ko sa itaas. At kung nandito ka na, hahanap-hanapin mo ang bayang kumunsinte sa katigasan ng iyong kukote, nagpalasap ng digmaan ng buhay na nagpatibay ng iyong pagkatao at humubog sa tunay na ikaw. Muli mong hahanap-hanapin at babalikan ang mga panahon na ganap pa iyong kalayaan. Wala iyon dito. Nasa Pinas.

        #Pilipinas
        #NoPlaceLikeHome
        #BuhayOFW

        THURS.day

        $
        0
        0
        Image Credit: seattlestravels.com
        Pumailang-lang naman ang guni-guni sa kawalan.  Nagmumuni-muni ng mga kaganapan sa buhay habang lulan ng rumaragasang sasakyan.  Hindi alintana ang bangis at panganib na dala ng mabilis na yugto at agos ng buhay.

        Bingi na sa saliw ng musika na tila ba nagpapalungkot at napapabagal sa mga tanawing mabilis na nadadaanan. Hindi ko kasi maintindihan. Hikab muli ako. Tunganga.


        Tahimik na sinipat ang mga katabi sa upuan at nakinig ng bahagya sa kanilang mga huntahan. Ngunit tila ba hindi maunwaan ang mga salitang namumutawi sa kanilang mga labi.  Gusto kong makisali sa kanilang kwentuhan at makipaglokohan pero hindi pa ganap na bumaba ang tama ko sa utak. Hikab muli ako. Tunganga.

        Naalala ko ang kanta ng Parokya.  Sinikap na patugtugin sa utak. 

            ♬♬  Tuloy ang biyahe
        Walang ibang iniisip
        Kundi ang magpahangin
        At pagtripan ang mga sari-saring tanawin
        Sayang ang buhay
        Kung 'di mo sulitin ang saya at saysay
        Pano kung bukas ay bigla kang mamatay?
        -Parokya ni Edgar (Iisa Lang)-♬♬

        Hikab muli ako. Tunganga.

        Huminto ang sasakyan. Bumaba.
        Opisina na.
        Napangiti ako.

        Huwebes ngayon.  Dahil malamang.

        Hikab muli ako. Tunganga.


        #Thursday
        #Bored
        #Fridaykasibukas
        #dayoff

        Absolute Value

        $
        0
        0


        If you want a happy life you should..

        Function of  X is equal to the absolute value of X.
        Avoid Negativity.

        #math
        #avoidnegativity
        #mathislife





        Tangent Lines Sad Story

        $
        0
        0

        Tangent lines will only meet once and then parted forever...

        Tangent at (1,1)


        2x-1 and x^2+5 will only meet once at point(1,1) and then parted forever. So sad.

        #math
        #tangentlines
        #tangentlinesadstory
        #mathislife

        When i and pi Talks

        $
        0
        0

        get real and be rational
        notes:
        i = imaginary number equal to square root of -1
        pi = irrational number with approx. value 3.14159...


        #getreal
        #berational
        #pi
        #imaginarynumber
        #mathislife


        Ber Na.

        $
        0
        0

        Dalawang araw mula ngayon ay "BER NA".  Pera teka kilala mo ba si BERNA? Alam ko kilala mo sya. Sige ganito, ang sabi sa tsismis, siya di umano yung babae na nanakit, nambugbog sa 3-taong gulang na batang si MJ.  Alam ko gets mo ako, dumaan na yan sa facebook feeds mo, nagbasa ng mga komento, nainis, natawa, nagalit, nag-beast mode. Nagshare ng post, nag-edit ng larawan at nag-post. Nanood ng Tulfo at muli  nagbasa ng mga komento, nainis, natawa, nagalit, nag-beast mode. Repeat refrain.  

        Ang tanong ko lang, may nagawa ka ba, o may naitulong ka bang makabuluhan?

        Sumunod na kwento, yung mga traffic violators na nakipagmatigasan sa MMDA na kesyo hindi daw mapatunayan yung 5-minutes nya. Na piskal at buntis daw sya sabi ng asawa. Alam ko gets mo ako, dumaan na yan sa facebook feeds mo, nagbasa ng mga komento, nainis, natawa, nagalit, nag-beast mode. Nagshare ng post, nag-edit ng larawan at nag-post. Nanood ng sorry nila sa TV Patrol at muli  nagbasa ng mga komento, nainis, natawa, nagalit, nag-beast mode. Repeat refrain.  

        Ang tanong ko lang, may nagawa ka ba, o may naitulong ka bang makabuluhan?

        Isa pa, yung mga kabataang bugok na pinaglandakan ang tamang paraan ng paggamit ng Marijuana.  Kung paano nila hinamon at minura ang Presidente.  At kung paano pinakilala nila sa buong Pilipinas ang kapabayaan ng kanilang mga magulang. At ngayon nahuli/sumuko na sila, umiiyak at humihingi ng paumanhin sa madla. Alam ko gets mo ako, dumaan na yan sa facebook feeds mo, nagbasa ng mga komento, nainis, natawa, nagalit, nag-beast mode. Nagshare ng post, nag-edit ng larawan at nag-post. Nanood ng sermon ng Pulisya at muli  nagbasa ng mga komento, nainis, natawa, nagalit, nag-beast mode. Repeat refrain. 

        Ang tanong ko lang, may nagawa ka ba, o may naitulong ka bang makabuluhan?

        Alam mo ang makabuluhan? Huwag kang magtapon ng basura sa lansangan, para lang pulutin ng mga taong walang pinag-aralan.

        Pasko na ulit, nagbago ka na ba?


        Ciao.

        #Berna
        #fiscalvsmmda
        #weedkidsvsduterte
        #paskonaulet
        #realtalk

        Lapis

        $
        0
        0

        Sinubukan isulat sa papel. Gumuhit. Binura
        Bumakat ang marka ng ginuhit at muling inihagod ang panulat sa papel.
        Sinubukan ang hamon ng tadhana. Iginuhit ang direksyon ng buhay. Pinilit baguhin. Nabigo o nagtagumpay-- hindi ko alam. At muling sisimulan ang pagguhit sa direksyon ng buhay kasabay ng marka ng nakaraan.


        #lapis
        #ulit-uli


        Solusyon na Tatapos sa Problema ng Pilipinas

        $
        0
        0

        Kahit saan mang dako ng mundo hindi matatawaran ang kayabangan at katigasan ng ulo ng mga Pilipino.  Sa katunayan, wala itong katulad sa buong Universe.  Masakit tanggapin ang katotohanang ito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi. Ang kawalang disiplina ay tila ba natural na lamang sa ating sistema at di alintana ang masamang epekto nito sa sarili, sa iba, at maging sa kalikasan.

        Umiiyak na ang Pilipinas, nasasaktan. Isa lang naman ang solusyon at tatapos sa problema ng bansa, alisin ang problema ng bansa, Alam mo kung ano? Alisin ang mga Pilipino sa Pilipinas.  Sa panahong wala na ang Pilipino sa Pilipinas, wala na ang:
        1. pasaway na Pilipino na nagtatapon ng basura sa lansangan, dagat o maging ilog man.
        2. pasaway na Pilipino na hindi ginagalang ang batas trapiko.
        3. pasaway na Pilipino na hindi tumatawid sa tamang tawiran.
        4. pasaway na Pilipino na mahilig sa chismis at magkalat ng di totoong balita.
        5. pasaway na Pilipino na inuuna ang sarili, makalamang lamang sa iba.
        6. pasaway na Pilipino na nangungulibat sa kaban ng bayan.
        7. pasaway na Pilipino na nalululong sa masamang bisyo.
        8. pasaway na Pilipino na umaabuso sa kabataan at kababaihan o maging sa kalalakihan.
        9. pasaway na Pilipino na hindi iginagalang ang batas.
        10. pasaway na Pilipino na hindi iginagalang ang sarili. 
        Ilan lamang ang mga iyan, sa mga suliranin na matatapos kung wala na ang mga Pilipino sa bansa at siguradong madami pang magandang epekto ang magaganap kung ganap ng aalisin ang Pilipino sa bansa. At sigarado wala ka na din.  Wala na din ako.

        Sa Pilipinas, kaliwa's kanan ang problema. Maraming mungkahi at posibleng solusyon ang iniisip at ginagawa ngunit tila ba na wala itong positibong epekto at lumalala lamang ang problema. Maraming nagmagaling. Namulitika. Na kesyo sila ang tama, at dapat ganito, hindi ganyan.  Dapat siya ang paniwalaan, hindi sila. Pero para saan? Para sa pera. Para sa pangalan. Para sa sariling interes. Wala na ang mga bayani.  Kung meron man, nasa telebisyon na lang o Mobile Legends na lang yan. Wala na ang Pilipinong totoong may malasakit sa bayan. Kung maka-facebook, akala mo totoong nagmalasakit sa dami ng likes. Pero hindi, dahil kung hindi yan para sa negosyo, sariling interes o pagkakakitaan, fake news yan.

        Isipin nyo na lang, na halos ng solusyon sa problema ay nagawa na, pero wala din, walang epekto. Iniisip na mali ang paraan ng solusyon, sila ang tama, sila na nagmarunong.  Pero hindi kaya... Hindi kaya tayo talaga ang problema? Ang Pilipino mismo ang problema.

        Kung feel mong mag-suicide para makabawas sa problemang dinadala ng Pilipinas, hindi na kita muna pipigilan. Alam mo kung bakit? Dahil nga kasi Pilipino ka na kahit alam nyo na ang solusyon sa problema, at alam kong sa tigas ng ulo nyo hindi nyo susundin ang iminumungkahi ko.

        Pinoy hindi lang tama na mag-isip ka. Umaksyon ka din.

        "Huwag mong pilitin na maging rosas ang tae para bumango ang paligid.  Kahit anong mahika ang gawin nyo o buhusan yan ng pabango, tae pa din yan, mabaho. Simple lang naman di ba? Alisin nyo mabaho, alisin ang tae."

        #Pilipinas
        #solusyon
        #Pinoy

        Yun Lang

        $
        0
        0

        May naisip ako. Pero parang wala. Mapapailing ka na lang at mapapatanong kung talagang may silbi ba ang laman na nasa iyong bungo. Nasa pagitan ako ng pag-iisip at hindi pag-iisip. Baka nga "at" iyon, pero hindi tayo sigurado. Ano nga ba?


        Alam mo ba yung pakiramdam na may gusto kang gawin pero hindi mo magawa kasi hindi mo maisip kung ano yun? Yung tipong gusto mong bumait pero di mo magawa, nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa. Kanta ba yun? Ano nga ba?

        Alam mo ba yung pakiramdam na gumagawa ka ng entry sa blog pero hanggang ngayon hindi mo pa alam ang topic, yung tipong hindi mo din alam kung saan ka dadalhin ng tipada ng mga titik sa keyboard. Maging ang title ay mistula pa ding sandstorm sa labo nito sa utak mo. O baka naman hindi ko din ito matapos o pwede ko na din naman na tapusin ngayon kasi wala na akong maisip. O di kaya ay pahabain sa mga walang kwentang titik tulad nito, MEMA lang. Mema. Memasabi lang.

        Sige na nga tatapusin ko na at alam kong alam mo din na wala naman talaga akong ibig sabihin sa mga sinasabi ko, pero hindi ko din alam kung bakit nasa dulo ka na nito at patuloy mo pa din syang binabasa. Natatawa o naiinis ka na yata na tila ba ninanakaw ko ang oras mo na hindi mo namamalayan. Malay mo, nag-trip lang ako. At hindi lang ikaw ang biktima. Ako din sa sarili kong mundo
        .

        Tapos.

        #anodaw
        #unlang
        #maguloparang****
        #mema

        Aroy Dee

        $
        0
        0

        Kahapon. Teka nung isang araw pala yun. Naglalakad kami ng misis ko sa likod ng mga nagtataasang gusali ng mga kompanya ng gobyerno sa lugar na ito upang bumili ng mga ilang piraso ng damit sa medyo-hindi-kamahalan-na-tindahan na mukhang orihinal pero hindi. Alam mo ba kung saan ang tindahang iyon? Basta dyan lang yun sa malapit. 


        Habang abala ang misis ko sa pagpili ng damit, lumabas ako sa tindahan ng damit at nagmuni-muni habang binabasa ang mga pangalan ng mga establisyemento na nakapaligid.  Sinusubukan ko kung marunong pa din akong magbasa. Natuwa naman ako at marunong pa din naman pala ako. TTTTT...Tee breyk, PPPPP.. Panaderya. MMM...Meri Brawn. Beri gud. Kids, counting numbers naman sa susunod ha?

        "Tea Break, Panaderia, Mary Brown, Wang's Kitchen" Ooopps, kainan to lahat ah? Kakakain ko lang, kainan na naman. Nakakatuwa nga eh, bawat resto, may gimik, may pailaw, offer, may free taste, may free delivery, may libre lang. At meron ding restong mahal pero hindi naman masarap. Ito yung, wag na lang baka isipin nila naninira tayo ng reputasyon. At may resto ding tawag pansin sa lahat. Bukod sa mailaw ang resto, masaya din ang pangalan. Aroy Dee. 

        Gumana ng konti ang baterya ng kalokohan sa aking kukote. May kwentong nabuo sa utak ko na posibleng alamat ng restong ito, napangiti ako ng bahagya. Share ko sa iyo.

        "May dalawang mag-asawa. Si Dodong at Si Inday. Maagang umuwi si Dodong mula sa opisina. Naabutan nya si Inday na nakatutok sa Telebisyon at nanonood ng paborito nitong Teleserye na ang title ay Kabit. At dahil na-miss nya si Inday sa maghapon, naisipan niya itong kulitin at kilitiin. Ngunit sa di inaasahang pagkakataon, nagkauntugan sila.  Nasaktan si Inday at napahiyaw ng "Aroy Dee". The End.

        May isa pang version ang kwento pero para na din sa kapakanan ng mga batang mambabasa at baka ma-MTRCB tayo kahit hindi naman ito pelikula o teleserye sa telebisyon,, wag na lang. At alam kong alam mo na din yun.  Basta.

        Kapag naisip mo yung naisip ko, pihadong mapapangiti ka. Promise.

        #AroyDee
        #ThaiRestaurant
        #food

        Bawal Basahin ang Nakasulat Dito

        $
        0
        0
        "Bugtong-bugtong. Hindi tao, hindi hayop, wala ka nito, wala din ako, wala ang bawat Pilipino, ano ito?"

        Sagot: Disiplina


        Ano nga ba ang disiplina?

        O mas maganda tanungin natin ang mga Pilipino.  Pero kahit anong hagilap nito, hindi ito makikita dahil wala ito sa bokabularyo ng Pilipino.  Aminin man natin o hindi, isa tayo sa madaming lahi sa buong mundo na wala nito. Kung sa ranking na 1-10 at 10 ang pinakamataas, malamang sa malamang ay 10.5 tayo sa kawalan ng disiplina.  Hindi ko naman sinasabi na lahat ng Pilipino ay ganito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi.  Maraming problema sa Pilipinas tulad ng basura sa estero, ilog at dagat, traffic sa lansanggan, mga taong walang trabaho, mabagal na proseso sa mga opisina pampubliko man o pribado, droga, korapsyon, prostitusyon, tsimosa sa kalye o social media, teenage pregnancy, squatter sa mga kalunsuran, sugal, babaero na hindi naman gwapo, mga siga sa kalye, rapist, lasenggero, holdaper, mamatay tao, magnanakaw na madalas na nagtratrabaho sa gobyerno, at tae ng aso sa kalsada.  At alam mo ang ugat nito, kawalan ng disiplina at paggalang sa kapwa. At alam mo din ba kung bakit tayo mahirap? At yun nga sisimulan nating isisi kung kani-kanino. Sa gobyerno, sa pulitika, sa sistema, sa magulang, sa pamilya, sa aso, sa daga, sa ipis pero hindi natin ituturo ang ating sarili.  At kung sakali man na aminin natin na tayo mismo ang problema, wala naman tayong ginawa para mabago ito at kung may gawin man, sa simula lamang iyon at muli na itong kakalimutan.

        Hindi ko alam kung paano natin maitutuwid ang baluktot na ating na nakasanayan.  Kadalasan maririnig natin na dapat sa atin ito magmula, sa ating sarili. Oo, narinig lang natin, hindi natin ginagawa o isinasabuhay.  O kaya naman, gusto natin magbago pero hindi pa ngayon, at lilipas ang panahon, mananatili lang tayo sa bulok na gawi forever. Ganyan ang Pinoy, ikaw at ako.

        Madaling matuto ang mga Pilipino, maka-adapt sa mabilis na takbo ng panahon.  Pero hindi nito iiwan ang masarap na nakasanayan.  Mabilis na paraan kahit bawal sa batas o masama sabi ng iba.  Natural na matigas ang ulo ng mga Pilipino simula pagkabata at pagtanda.  Vandalism sa banyo, pagtawid sa bawal tawiran, entry sa no entry, parking sa no parking area, swerving to the max sa kalsada, one lane pero nagiging multiple lane, loading sa no loading and unloading zone. Maraming batas at alituntunin sa Pilipinas, pero walang sumusunod dito katulad ng "Bawal Tumawid, May Namatay na Dito". At hindi ka pwedeng magalit sa kanila dahil magagalit din sila sa iyo. Hindi mo sila pwedeng turuan sa sarili nilang bansa, matigas ang ulo eh.

        Kung mapupunta ka sa ibang bansa, makikita mo ang kagandahan ng epekto ng mga taong may displina, paggalang sa batas at kapwa. Pero paano natin puputulin ang baluktot na nakasanayan?  Pagpapatupad ng mahigpit sa pagpapairal ng mga batas? CHR hello.  Para tayong mga spoiled brats sa tigas ng ulo na hindi pwedeng pagsabihan. Na agarang magpapasaklolo sa Bantay Bata 163 na inaabuso tayo. Kaya ang resulta, wala na tayong dispilina, wala ng kinakatakutan. Hindi tulad noon na isang sitsit lang ng tatay mo, alam mo na.  Baka panahon na nga na maging tulad tayo ng Saudi Arabia sa pag-papairal ng batas. Corporal punishment sa mga lalabag. Putol daliri sa mangungupit, putol ulo sa magnanakaw sa gobyerno at putol **** sa mga nanggagahasa.

        Siguro dapat ko na din tigilan ang pag-ihi sa pader na may nakasulat na "Bawal umihi dito, pag walang nakatingin". Sa palagay nyo, bukas na lang?


        Natapos mong basahin? Sabi ko na nga ba eh. Pilipino ka nga. Tigas ng ulo. 

        #Pilipino
        #Disiplina
        #Pilipinas

        Wikipedia galit kay BONG REVILLA?

        $
        0
        0
        maraming memes na si Alyas Pogi.  Yung iba galit na galit. Yung iba chill lang.

        Ako. No comment movement.

        Ang hindi ko lang magets, bakit si wikipedia galit din sa kanya?

        Sino kaya mag-eedit nito ulet?

        Parang si Shanti Dope... Grabe...grabe... :)

        Check this out.

        IMAGE FROM WIKIPEDIA.COM

        #May13
        #Eleksyon2019
        #Pilipinas
        #BongRevilla
        Viewing all 48 articles
        Browse latest View live